The Downward Spiral Of Mrs. Walker (Chapter One)
Nagbukas ang mala-higanteng mga pinto. Umusbong ang sinag ng liwanag mula kisame hanggang sahig. Unti unting lumabas ang wangis ng isang babae na ikinatulala ng mga tao sa loob ng simbahan.
Tumunog ang musikang likha ng piano habang dahan dahang naglakad ang babae papasok ng simbahan. Nababalot ito ng kumikinang at kulay puting traje de boda. Lahat ng mga bisita ay nakangiti. Lalo na si Gabe. Ang lalaking naghihintay sa harapan ng altar.
Tanaw na tanaw si Gabe sa loob ng gusali dahil sa tangkad nitong 6'5 na talampakan. Maputi ang lalaki at blonde ang buhok. Hindi mapakali ang matipunong pangangatawan ng Amerikano habang pinagmamasdan ang papalapit na si Celine.
Isang maliit na babae ngunit agaw pansin ang napakaputi ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





